7 Key Points Sa Pag-Gawa ng High Quality Content para sa AdSense

Ang pag gawa ng high quality content ay hindi lang nagpapa improve ng SEO.

Dahil dito, mareretain mo ang mga visitors, at nagkakaroon ka ng strong reputation para sa niche na napili mo.

At ang pinaka importante dito, ay para ma approve sa Google AdSense program.

 

Ano ang High Quality Content?

In todays online world, ang pag gawa ng high quality content ay susi para sa pag lago nag iyong blog.

Whether your purpose is to share knowledge or sell products and services, malayo ang lamang ng mga content na may value compare sa junk.

 

Paano Gumawa ng High Quality Content?

 

1. Do Keyword Research

Great Headlines starts with an Idea.

Alamin mo kung ano ang hinahanap ng customer.

This is the best way para makagawa ka ng magandang headlines, and to target the best audiences.

Gumagawa tayo ng content hindi dahil sa gusto natin, kundi dahil binibigay natin ang hinahanap ng mga visitors.

 

2. Structured the Content

Ang goal ng pagsasaayos ng content ay upang mas madali ang navigation sa part ng visitor.

Paulit ulit?

Ayusin natin..

Ang article mo ay dapat nakaayos gaya ng example na ito.

  • Title
  • Introduction
  • Topics
    • Topic A
      • Explanation
    • Topic B
      • Explanation
    • Topic C
      • Explanation
  • Conclusion

Ang paghahati ng information into smaller pieces of topics, ay magbibigay ng liwanag sa iyong content.

Mas madali din nating maipapaliwanag what the article is all about.

Isa pa, its bad for S.E.O. kapag naulit ang information that is already written in the top of the story.

 

3. Informative Details

Information is the main reason kung bakit tayo naghahanap online.

If your article is informative and detailed, nakakagawa ka ng good reputation which will improve your brand later on.

This is the reason why people loves WikiPedia.

The more it is informative, the best.

 

4. Visitor Interactions

Ang paglalagay ng comment section, o pag-enable ng comment feature (para sa mga CMS users (gaya ng WordPress) ay nakakapag boost ng connection sa mga visitors.

Nagkakaroon kasi sila ng participation sa author at mga kapwa visitor with the same niche.

 

5. Visual  Integration

Nakaka antok mag-basa.

Kaya ang isang magandang idea para ma-enjoy ng mga visitors ang pagbabasa ng article mo ay ang paglalagay ng visual displays.

Katulad nito ay ang mga relevant photos, infographics at videos.

 

6. Page Design

Dalawang key-points ang dapat pagtuonan ng pansin sa pagdedesign ng maayos na webpages.

  • Reduce page loading time – Dapat ay mabilis ang paglo-load ng iyong website. Kung hindi ito magload within 3 seconds, malaki ang possibility na umalis sila at mag hanap sa ibang search result.
  • Responsive mobile friendly – Humigit kumulang 60 percent ng mga searches ay nangagaling sa mga mobile devices.

 

7. Update Content

I proven that updating articles helps to improve SEO, thus making the article to be relevant in the present days.

Nobody wants to search the internet at maghanap ng kailangan nila, and ended with an updated article.

 

Bakit kailangan ng High Quality Content?

 

Retain visitors

Kapag high quality ang content mo, you are attracting the right visitor.

At dahil may good impression sila sa ginawa mo, you will retain most of them.

Kapag ba nakakita ka ng isang website na punong puno ng advertisement, are you going to visit this again to look for what you need?

Syempre hindi.

 

Gain reputation

If a visitor trying to look for information online and experienced misleading content will surely no longer click that website in the search result.

Ito ang purpose of gaining reputation.

I experience this normally and madali kong matandaan ang mga websites that I will never to open again dahil sa wala naman akong napapala.

 

Approved to AdSense

In able to get monetize, o mapagkakitaan ang iyong article via Google AdSense program ay kailangan na ang mga content natin ay high quality.

 

Improve SEO

Sinong gustong magbasa ng junk articles?

I mean, kaya nga tayo nag se-search sa mga search engine ay para makita ang mga hinahanap natin.

Yung kailangan natin.

Kaya mas priority ng mga search engine na i-rank ang mga webpages na may high quality content.

Malinaw ang pagkakapaliwanag, kumpleto ang detalye, at nasagot ang pangangailangan ng mga visitor.

 

Conclusion

Ito ang isa sa malaking bagay na natutunan ko sa nakalipas na limang taon ng pag-gawa ng website.

“Hindi ka dapat gumawa ng website kung ang pangunahing layunin mo ay ang kumita.”

Ano ang dahilan kung bakit bibisitahin ng mga audience ang iyong website?

Ano nga ba ang mapapala nila sa pagba-browse?

Wala naman sigurong audience ang mag-aaksaya ng oras, pagod, at pera para sa kuryente at internet connection para lang magbrowse sa isang website na wala naman silang mapapala?

Tama hindi’ ba?

Kung ang pangunahin mong dahilan sa pag-gawa ng website ay ang kumita, wala ka talagang kikitain.

Masama bang maghangad kumita?

Hindi po masamang maghangad kumita dahil sino nga ba ang hindi nangangailangan?

Ang ibig kong sabihin, kung pera ang lagi mong iniisip habang ginagawa ang isang bagay, sa pera ka naka focus at hindi sa pagpapaganda ng bagay na ginagawa mo.

Ang resulta, wala ka talagang kinita.

Cheer up!

Create a high quality content now!