5 Trabaho ng Virtual Assistant na Walang Experience

Estudyante ka ba na naghahanap ng trabaho?

O nag iisip ka ba na mag change ng career?

Alam mo ba na pwede kang makakuha ng virtual assitant job with little to no experience?

Ano-ano ang mga trabaho na pwede sa mga wala pang experience bilang virtual assistant?

1. Data Entry

Ang data entry ay isang proseso ng pagi-input ng data from one source to another.

Isang halimbawa nito ay ang pinaka simpleng task na image to word.

Gaya ng pagta type ng physical document na kinuhanan gamit ang camera,

at ang file type nito ay photo kagaya ng jpg.

From photo, kailangan mong itype ito ng mano-mano,

dipende syempre sa requirements ng client mo.

Pwedeng ang output nito ay word, pdf, or excel file.

Bakit kailangan itong ipagawa ng client mo?

Marami kasi sa kanila ay mga businessman, at professionals,

kung kaya wala nang oras para gawain ang mga micro task na kagaya nito.

2. Personal Assistant

Kung baguhan ka pa lang at wala pang experience ay maaari mo namang i-offer ang pagiging personal assistant sa mga client.

Madalas din na ang tawag ng iba dito ay General Virtual Assistant.

Ang trabaho nito ay parang isang secretary,

virtual/online nga lang.

Ang mga posibleng magiging trabaho mo dito ay various administrative task,

depende sa pangangailangan ng client mo.

Madalas dito ay email handling, social media management, presentations, data entry, research, calendar and schedule management, at marami pang iba.

Kung bakit ito swak para sa mga baguhan ay dahil hindi mo kailangan ng isang mastered niche kagaya ng video editing.

Kapag baguhan kasi ay wala pa tayong portfolio na magagamit upang kunin tayo ng client sa gusto nating trabaho.

Isa pa, hindi naman nag re-required si client na maging magaling ka sa lahat ng task,

basta marunong ka sa computer navigation at mga basic apps.

Kaya kung wala ka pang maio-offer na set of skills ay pwedeng pwede kang mag apply bilang General Virtual Assitant.

3. Translator

Nagre-require naman ang task na ito ng communication skills,

at syempre, kaalalaman sa dalawang languages na ita-translate mo.

Isang halimbawa ng trabaho dito ay ang pagta-translate ng audio or video from foreign language sa local language.

Ang naitranslate na language ay maaaring gamitin bilang sub-title ng video, brochure, documents, at iba pa, dipende sa requirement ng client mo.

4. Email & Social Media Management

Kung nahihilig ka naman sa social media, bakit hindi mo pagkakitaan yan?

Bilang social media manager, ang ilan sa mga magiging task mo ay ang mga sumusunod.

  • Pag-gawa ng post
  • Pag-schedule ng post
  • Pagsagot sa mga messages
  • Comment interactions
  • at iba pa dipende sa requirements ng client

5. Lead Generation

Ang lead generation naman ay isang research job kung saan maghahanap ka ng mga leads.

Ang trabahong ito ay parte ng marketing at sales kung saan maghahanap ka ng mga possible customers ng client mo.

 

Magkano ang pwedeng kitain kahit walang experience?

Kahit wala ka pang experience, pwede kang kumita as low as $3.00 hanggang $10.00 per hour.

Dipende ito sa tagal at uri ng trabaho na mapagkakasunduan ng client mo.

May mga project kasi na for project basis lang, o yung babayaran ka lang kapag natapos mo na.

Ang payment term nito ay fix rate.

Ang mga halimbawa nito ay pag gawa ng logo, o pag tatranslate ng document from english to filipino.

May mga trabaho naman na kailangan ng client for regular basis katulad ng personal assistant.

Dito, ang madalas na payment term ay per hour.

 

Saan pwedeng mag-apply bilang Virtual Assistant?

1. Agency

Highly recommended ang paga-apply bilang Virtual Assistant sa mga agencies kung wala ka pang experience.

Hindi mo na kasi problema ang portfolio dahil sa libreng training.

Hindi ka na din mahihirapan na mag hanap ng client dahil kapag natapos mo ang traning mo, sila ang mag de-deploy sayo.

2. Online Job Hunting Sites

Narito ang mga online job hunting websites kung saan pwede kang maghanap at mag-apply bilang virtual assistant.

  • OnlineJobs.ph
  • Virtual Staff.ph
  • UpWork
  • VAJobs.ph
  • RemoteStaff.ph
  • Freelancer.com

at marami pang iba.

 

3. Social Media

Alam mo bang pwede kang mag hanap ng client thru social media?

Yes po!

In fact, pwede mo din i-offer ang iyong services directly sa mga clients.

Maaari kang mag hanap ng propected client mo thru LinkedIn, ang social media ng mga professionals.

Habang sa facebook naman ay pwede kang sumali sa mga groups for virtual assistant and freelancers.

Madalas ay ang mga client ang nagpo-post ng mga pangangailangan nila, at mag hahanap ka lang ng trabaho mga swak sa skills na pwede mong i-offer.

Just always be cautious for scammers.

 

Are you ready?

Ang pagiging VA o Virtual Assistant ay isang profession na patuloy ang paglago.

Totoong mahirap makahanap ng client lalo na kung wala ka pang experience.

Totoong nakakatakot sa umpisa.

Pero hindi ka magkaka experience kung di mo susubukan.

Tama?

Subukan mo.

Normal lang matakot sa una.

Pero pag nakakuha ka na ng client,

hindi ka na kakabahan na mag hanap ng isa pa.

Cheer up!