LPG vs Induction Stove – ano ang mas matipid gamitin?

LPG vs Induction Stove - ano ang mas matipid gamitin

Dahil sa marami ang nagtatanong kung mas matipid nga ba ang induction cooker kumpara sa gas stove, ating alamin sa article na ito.

 

Ano ang induction stove?

Ang induction cooker ay isang uri ng stove na gumagamit ng induction technology para magpainit ng mga pagkain.

Sa halip na gumamit ng direktang init tulad ng gas o electric na stove, ang induction cooker ay gumagamit ng electrical current para mag-produce ng magnetic field.

Kapag inilagay mo ang isang pot o pan na may magnetic base sa ibabaw ng induction cooker, ang magnetic field ay magpapainit ng metal sa ilalim ng pot, na nagpapainit naman ng pagkain o liquid sa loob ng pot.

Isa itong mabilis, epektibo, at energy-efficient na paraan ng pagluluto.

Isa pang kagandahan nito ay hindi ito nagpapainit ng mismong surface ng cooker, kaya’t mas ligtas ito at madaling linisin.

 

Gas vs Induction Stove operating cost

Between gas and induction stove, maraming mga factors ang dapat iconsider para malaman natin kung saan tayo mas makakatipid.

Ito ay katulad ng mga sumusunod.

Efficiency

  • Gas Stove: Karamihan sa mga init mula sa apoy ay sumasama sa hangin.
  • Induction Stove: Ang mga induction stove ay mas epektibo sa pagpapasa ng init sa kawali mismo, kaya’t mas mabilis itong gamitin sa pagluluto.

Cost of Energy

Dipende sa lugar, maaaring magkaiba ang presyo ng kuryente at retail ng LPG.

This is situational dahil may mga lugar na mura ang LPG tank, at mahala ang rate ng kuryente, and vice-versa.

 

Sa pangkalahatan, hindi madaling sabihin sa isang simpleng kasagutan kung alin sa gas at induction stove ang mas matipid gamitin.

Base sa personal experience, parehas matipid sa resources ang gas at induction stove.

Mura lang kasi ang rate per kilowatt hour sa amin, at may mura ding mabibilhan ng LPG.

 

Bakit matipid ang induction cooker?

Generally, mas matipid ang induction cooker dahil mas mabilis uminit ang pot dito kumpara sa gas stove.

More than 60 percent ng init na naiproduce sa apoy mula sa gas stove ay sumasama lang sa air, kung kaya nasa 40 percent lang nito ang nagpapainit sa kaldero.

Sayang yung 60 percent ng gas.

 

Advantage ng pag-gamit ng induction cooker

1. Mas mabilis uminit ang induction stove.

Bakit nga ba mas mabilis magpa-init ang induction cooker kumpara sa gas stove?

Dahil ito sa induction technology kung saan ang init ay directang nalilikha sa kaldero.

Kumpara sa gas na ang init ay galing sa external fire, o mula sa ilalim ng kaldero, nasa 40 percent lang ng init nito ang naita-transfer.

The rest is nasasayang lang o yung tinatawag na wasted energy.

 

2. Mas safe itong gamitin kumpara sa LPG

Ang induction cooker ay mas ligtas kumpara sa LPG dahil sa ilang mga kadahilanan.

Una, hindi ito gumagamit ng open flame tulad ng sa LPG, kaya’t mas mababa ang chances ng sunog.

Pangalawa, ang induction cooker ay hindi nagpapainit ng mismong surface nito, kaya’t mas mababa ang tsansa ng aksidente tulad ng pagkasunog ng mga materyales sa itaas nito, katulad ng damit, buhok at iba pang flamable materials.

Bukod dito, dahil sa ito ay gumagamit ng electrical current, ang induction cooker ay hindi naglalabas ng carbon monoxide, isang nakakalasong gas na kadalasang lumabas sa LPG.

Ito ay maaaring maging sanhi ng carbon monoxide poisoning.

 

3. Cool cooking surface

Dahil hindi gumagamit ng direct heat tulad ng gas o electric stove, nananatiling malamig ang top surface ng pots at stove.

Ang init na ginagawa ng induction cooker ay direktang naipapasa lamang sa pot o pan, dahil sa metal na base nito.

Hindi naman naghahalo ang init sa ibabaw ng cooker, kaya’t nananatiling malamig ito.

With this, the chances of pagkasunog o aksidente ay nababawasan.

Mas madali din nating malilinis ang mga parts nito dahil hindi ito nasusunog.

 

Should I use induction stove over LPG?

In choosing weather to use induction cooker or gas stove, ito ay nakasalalay sa iyong na sa personal preferences at syempre, operating costs.

May mga buildings, specially, condo na hindi ina-allowed ang pagpapasok at pag-gamit ng LPG tank sa loob ng mga units.

At dahil dito, perfect ang induction stove.

Ito ay mas ligtas dahil hindi gumagamit ng open flame at hindi naglalabas ng carbon monoxide.

Bukod dito, madaling linisin at mabilis magpainit ng mga pagkain.

Sa kabilang banda, ang gas stove ay tinatangkilik naman ng mas nakararami dahil ito na ang nakasanayan, ika nga, conventional way of cooking.

May ilan pa din naman na mas gusto ang tradisyonal na pakiramdam ng paggamit ng gas stove at ang kadalasang mas murang gastusin sa paggamit ng LPG kaysa sa kuryente.

Again, dipende sa price ng LPG at electricity sa lugar ninyo.

Ikaw?

Ano sa tingin mo?