7 small purchases that improved life of students

Nag interview ako ng ilang high-school students to find out kung ano ano ang mga small purchases nila that improved their life.

 

Narito ang top 10 list ng mga small purchases ayon sa ating mga ininterview.

1. Planner

Ang planner ay isang maliit na notebook kung saan pwede mong isulat ang mga plano at mga tasks mo para sa araw, linggo, o buwan.

Free Planners And Papers Stock Photo

Ginagamit ito para maging mas organized sa mga gawain at para mas madaling tandaan ang mga importanteng bagay na kailangang gawin.

Madalas na may kasamang calendar ito at space para sa mga notes sa loob ng planner.

Ah, sa akin, siguro ‘yung small purchase na nakatulong sa productivity ko.

Halimbawa, bumili ako ng planner para mas organized ang schedule ko sa school at personal life.

Nakakatulong din ‘yung mga colorful na ballpen at highlighters para mas madaling mag-note at mag-highlight ng importanteng bagay.

Useful talaga siya lalo na para sa mga estudyante o busy na tao para ma-manage ang kanilang oras at mga gawain.

Tinanong ko naman sya kung tungkol sa mga softwares.

Bakit mo mas pinili mong bumili ng physical planner kaysa gumamit ng app?”

Ako kasi, mas pinili ko ang physical planner dahil mas prefer ko ang actual na sulatan at gumamit ng papel.

Sa akin kasi, mas satisfying ‘yung pakiramdam na isinusulat mo mismo ang mga plano at tasks mo kaysa sa digital na pag-record lang.

Parang mas na-e-encourage ako na sundan ang plano ko kapag nakikita ko ito nang direkta sa planner ko.

Tapos, hindi rin ito naka-depende sa internet connection o kung low battery na ang phone ko.

Pero siguro para sa iba, mas convenient at practical ang online planner apps dahil palaging nasa hawak lang nila ang kanilang smartphone.

May point naman sya!

Ikaw? Anong mas pipiliin mo, physical planner o online planner app?

 

2. Water Tumbler

Ang reusable water bottle o tumbler ay ginagamit upang magdala ng inuming tubig kahit saan ka magpunta.

Pwedeng gawa ito sa plastic, stainless steel, o glass na naka-designed upang maging reusable.

Free White Stainless Water Bottle on the Brown ground Stock Photo

Ang maganda dito ay hindi mo na kailangang bumili ng plastic na bote ng tubig na isang gamitan lang, at itapon pagkatapos.

Magagamit mo ang reusable water bottle mo ng paulit-ulit, kaya’t mas nakatipid ka at mas nakatutulong sa pag-protekta sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbawas sa paggamit ng single-use plastics.

Isa rin itong magandang paraan para masanay kang magdala ng sarili mong inumin at hindi na umaasa sa mga disposable na bote.

Napaka-importante ng reusable water bottle sa mga taong mahilig magbiyahe katulad ng mga estudyante, para palaging hydrated at eco-friendly.

 

May binili akong reusable water bottle para tipid at environmentally friendly.

Simpleng mga bagay lang pero malaking tulong sa araw-araw! 

 

Bakit naman kaya bumili sya ng tumbler?

 

Bumili ako ng tumbler dahil madalas akong bumibili ng bottled water sa canteen namin, lalo na kapag break time.

Nakita ko rin na marami akong nagiging basurang plastic bote sa school na itinatapon, pagkatapos gamitin.

Kaya naisip ko na mas magiging praktikal at eco-friendly kung magkaroon ako ng sarili kong reusable water bottle.

Sa pamamagitan nito, maiiwasan ko ang paggamit ng mga disposable na bote ng tubig at mas makatipid ako sa pagbili.

Bukod pa rito, mas mapipigilan ko rin ang pagdagdag sa problema ng plastic pollution sa ating kalikasan.

Kumbaga, win-win situation siya—nakakatipid ako at nakakatulong pa sa kapaligiran.

Kaya para sa akin, sulit ang pagbili ni mommy ng water bottle na reusable.

 

Ikaw? Gumagamit ka din ba ng reusable water bottle?

 

3. Flash Drive

Ang flash drive ay isang uri ng external storage device na ginagamit para i-store ang digital copies of information tulad ng mga files, documents, at mga media.

Free A Close-Up Shot of an OTG Flash Drive Stock Photo

Malaki na ang improvement ng mga flashdrive, mula sa mababang gigabyte noon, available na rin ngayon ito hanggang sa malalaking capacity up to terabyte.

Nagpabili po ako ng USB flash drive para magkaroon ng backup ng mga importanteng files at mga project.

Ginamit ko ito upang magdala ng mga files mula sa bahay papuntang school nang hindi kinakailangang dalhin ang laptop.

Kung may mga cloud storage services naman, bakit mas pinili ng estudyanteng ito na gumamit ng flashdrive?

Mas madali kasing ma-access yung mga files kahit sa mga lugar na walang internet connection.

Lalo na pag magpapa print sa labas.

Mas private din po yung files kasi walang copies sa internet, so iwas hacking

Ang paggamit ng flashdrive ay isang madaling paraan upang mag-backup ng mga importanteng files, paglilipat ng data mula sa isang computer papunta sa iba, o pagdadala ng mga files kahit saan.

Ikaw? Gagamit ka ba ng flashdrive o ng cloud storage? 

 

4. Study Lamp

Ang study lamp ay ginagamit para sa pag-aaral at pagbabasa ng mga aklat sa mga dark room setup, o tuwing gabi.

Karaniwang itong may adjustable neck o arm upang maaaring i-adjust ang direksyon ng ilaw.

Free Student doing homework at table at night Stock Photo

Kumpara sa room light, ang mga study lamp ay may malinaw at maliwanag na ilaw na hindi nagdudulot ng strain sa mata, kahit na gamitin sa mahabang oras.

Ito rin ay maaaring maging isang magandang dekorasyon sa study area o sa mesa ng pag-aaral.

Gumagamit ako ng study lamp para magkaroon ng mas direkta at mas maliwanag na ilaw sa study table ko.

Mas kumportableng kasi yung focus ng light nya workspace compare sa regular light sa ceiling.

Sa kabuuan, ang study lamp ay isang mahalagang kagamitan para sa mga estudyante upang magkaroon ng tamang liwanag at mag-focus sa kanilang mga gawain.

 

5. Sticky Notes

Ang Post-it Notes, o sticky notes ay maliit na papel na may adhesive sa likod na ginagamit para maglagay ng mga maikling notes, paalala, at marami pang iba.

Free Person Writing on Pink Sticky Notes Stock Photo

Karaniwang ito ay mildy colored paper.

Ang mga Post-it Notes ay madalas na ginagamit para magtala ng mga bagay na kailangang gawin, mag-iiwan ng mga short messages, o mag-highlight ng mahahalagang detalye sa mga documents at books.

Ang pagkakaiba sa ibang uri ng plain paper pwede itong idikit sa iba’t ibang mga surface nang hindi kinakailangan ng pandikit tulad ng glue o tape.

Bilang high school student, mahalaga sa akin ang sticky notes dahil sa madali lang gamitin at pwedeng idikit sa kahit saang lugar.

While may mga notes apps na available sa smartphones at computers, yung stiky notes kasi is nagbibigay sa akin ng pisikal na notes na nakadikit sa aking study table o wall, na nakikita kaagad, unlike sa apps, na need mo pang i browse bago makita.

Totoo naman.

Saka ang paglalagay ng mga sticky notes sa iba’t ibang lugar will serve its purpose.

Halimbawa, ang pagiiwan ng simpleng short message sa ref para sabigin may iniwan kang pagkain.

Ikaw? Gagamit ka pa din ba ng sticky notes kung pwede namang gumamit ng mga apps?

 

6. Food Storage Set

Ang food storage set o lunch box ay isang set ng mga lalagyan na ginagamit para magbaon ng pagkain.

Free Lunch Box Picnic photo and picture

Mahalaga ito para sa mga estudyanteng nagtitipid.

Ah malaking tulong sakin yung Food Storage Set dahil pinapabaonan ako ni mama ng nutritious foods kumpara sa mga pagkain na mabibili sa canteen.

Available naman sa canteen namin kaya lang mahal, and magkukulang yung allowance ko.

Saka we can avoid po to use single use plastics.

 pag-uugali sa aking mga pagpipilian sa pagkain.

Bukod kasi pagtitipid, mapipili natin ang mga healthy foods na hindi available sa canteen o maging sa labas ng school.

In short, ang paggamit ng Food Storage Set ay hindi lamang sa pagtitipid, kundi nagpapabuti rin ng kalusugan sa pamamagitan ng pagpili ng masustansyang pagkain.

 

7. Pepper Spray

Ang pepper spray ay isang self-defense tool na naglalaman ng aerosol at iba pang chemical na mayroong makakati at nakakapaso na sangkap, kadalasang capsaicin, na galing sa sili.

Free Best Pepper photo and picture

Ito ay karaniwang ginagamit para depensahan ang sarili laban sa mga attackers o aggressive na hayop sa pamamagitan ng pag-spray sa kanilang mukha.

Ang pepper spray ay isang mabisang paraan upang makapagbigay ng oras at pagkakataon para makatakas mula sa panganib.

Sakin po, yung pepper spray na bigay ni Dad.

With this po, i feel mas may security and proteksyon ako against attackers, lalo na kapag madilim o gabi na pag uuwi.

With pepper spray, mas feel ko na may chance na kaya kong ipagtanggol yung sarili ko kahit babae po ako.

I’ve been carrying pepper spray too for a long time na.

And it’s good to know that there are parents who are providing one for their children, especially young females.

Ensure lang that we also provide proper knowledge and training on using this tool.