Anong posibleng mangyari if ma-delay ang payment sa SPAY Later?

Anong posibleng mangyari if ma-delay ang payment sa SPAY Later?

Ang Shopee PayLater ay isang serbisyo ng Shopee na nagbibigay ng pagkakataon sa’yo na bumili ng mga produkto nang hindi agad nagbabayad.

Parang installment plan siya pero sa online shopping.

Makakabili ka ng mga gusto mong items tapos bayaran mo na lang sa susunod na buwan.

Mayroon itong processing fee na 0-2% ng halaga ng bawat transaksyon at ang buwanang interes ay umaabot mula 1-5% para sa mga item.

Dapat lang talaga na pag-isipan nang mabuti kung gagamitin ito para siguradong kayang bayaran at hindi ma-stress sa pagbabayad.

 

Ano ang pwedeng mangyari kung hindi makabayad on-time?

Kapag hindi nakapagbayad nang sa tamang petsa, may ilang posibleng mangyari.

Una, ang iyong SPayLater at/o Shopee account ay maaaring isuspend.

Kailangan mong bayaran ang buong halaga ng iyong bill sa, o bago ang ika-10, o ika-1 ng bawat buwan para maiwasan ito.

Kung gusto mong ipagpatuloy ang paggamit ng SPayLater, may karagdagang bayad na RM10 para sa late charge.

At para manatiling sumusunod sa prinsipyo ng Shariah (Shariah-compliant), ang anumang bayad na mas mataas sa aktwal na gastos ay ipinagkakaloob sa isang charitable body na aprubado ng Shariah Advisor.

Kaya importante talaga na maging responsable sa pagbabayad para maiwasan ang mga gantong abala at dagdag gastos.

 

Paano maiwasan ang late payment sa SpayLater?

Para maiwasan ang delayed na pagbabayad sa SPayLater, mahalaga na magkaroon tayo ng tamang plano at disiplina sa paggamit nito.

  1. Dapat nating siguruhin na may sapat tayong pera para sa mga binibili natin at sa mga bayarin sa tamang petsa.
  2. Mahalaga ring pag-isipan natin ang ating mga gastusin at siguraduhing kaya nating bayaran ang mga ito sa oras.
  3. Mabisang hakbang din ang pag-set ng mga notes, o notifications para sa mga deadlines ng bayad.
  4. At higit sa lahat, kailangan natin maging honest sa ating sarili sa pagdedeisiyon kung kaya nga ba nating bayaran ang mga binibili natin bago pa tayo mag-checkout.

Sa ganitong paraan, maiiwasan natin ang mga abalang dulot ng delayed na pagbabayad at mapanatili ang ating creditworthiness.