Ano ang Shariah-compliant?

Ano ang Shariah-compliant?

Magloloan ka ba?

Mapapansin natin na madalas ay nababanggit ang “Shariah-compliant” sa mga terms and conditions ng ilang loans dahil sa paglago ng interes at pangangailangan ng mga serbisyong pinansyal na sumusunod sa mga prinsipyo ng Islam.

Bagama’t hindi lahat ng mga tao sa Pilipinas ay Muslim, may mga institusyon ngayon na nag-aalok ng mga produkto at serbisyo na sumusunod sa mga batas ng Shariah para sa mga indibidwal na interesado o sa mga sektor ng lipunan na nagtataguyod ng ganitong uri ng pondo.

Ito ay isang uri ng pagpapahalaga sa pangangailangan at kagustuhan ng iba’t ibang sektor ng lipunan, pati na rin sa pagtugon sa pangangailangan ng global na merkado ng serbisyo sa pananalapi.

 

Ano ang Shariah-Compliant?

Ang “Shariah-compliant” ay tumutukoy sa mga aktibidad at produkto sa pananalapi na sumusunod sa mga prinsipyo ng batas ng Islam, o Shariah.

Ito ay isang sistema ng mga patakaran at pamantayan na nakabatay sa mga banal na teksto ng Islam, tulad ng Quran at Hadith.

Ang mga aktibidad at produkto na ito ay tinuturing na halal o legal sa ilalim ng Shariah, at karaniwang kinabibilangan ng mga pautang, pag-iimpok, at iba pang uri ng mga serbisyo sa pananalapi.

Ang mga ito ay naglalayong magbigay-daan sa mga Muslim na makilahok sa mga aktibidad sa pananalapi habang nagpapanatili sa kanilang pananampalataya at mga moral na prinsipyo.

 

How Shariah-Compliant works?

Halimbawa, sa mga loan services, itinatakda ng Shariah na dapat iwasan ang pagtanggap at pagbibigay ng interes (riba), at sa halip ay ipinapakita ang konsepto ng profit-sharing at risk-sharing.

Ang mga transaksyon at imbentaryo ay sinusuri upang matiyak na ang mga ito ay hindi nagpapakita ng labis na risk o hindi moral na gawain, tulad ng alkohol, sugal, o pork production.

Ginagamit ang mga serbisyong ito sa mga bansang may malaking populasyon ng Muslim, tulad ng mga bansa sa Middle East at ilang bahagi ng Asia, at pati na rin sa mga bansa na mayroong mga Muslim minority.

Bukod dito, may mga institusyon din sa iba’t ibang bahagi ng mundo na nag-aalok ng mga produkto at serbisyong Shariah-compliant upang magbigay-serbisyo sa mga Muslim na nais manatiling tapat sa kanilang pananampalataya sa kanilang mga transaksyon sa pananalapi.

Ibig sabihin ba nito ay wala ng interest ang utang ko?

In most of the cases, tama, walang interes sa mga pautang na sumusunod sa prinsipyo ng Shariah.

Sa halip, sa mga transaksyon na ito, karaniwang mayroong profit-sharing o risk-sharing na ipinatutupad.

Halimbawa, sa halip na magbayad ng traditional na interest rate, ang borrower at lender ay maaaring magkasundo sa isang sistema kung saan ang kita mula sa pautang ay hatiin sa isang certain percentage.

Sa ganitong paraan, ang lender ay hindi kumikita ng pera mula sa interes, but rather participates in the profits from the business or project.

Gayunpaman, dapat isaalang-alang na ang mga detalye ng anumang pautang na sumusunod sa Shariah ay maaaring mag-iba depende sa particular terms ng lender.