Simpleng waste management sa Panahon ng SHTF

Kamusta ka, ka-prepping?

Minsan, iniisip ko kung paano kaya ang waste management sa panahon ng SHTF?

Paano kaya natin ma-me-maintain ang kalinisan sa ating mga shelter sa panahon ng krisis?

Isipin mo, ang dami nang nangyari sa mundo – at parang natural na kalamidad, gera, at iba’t ibang krisis.

Kaya’t napag-isipan ko, bakit hindi natin pagtuunan ang kahalagahan ng simpleng waste management?

Hindi ba’t sa ganitong paraan, mas maaalagaan natin ang kalusugan kung pananatilihin nating malinis ang ginagalawan?

Tara, samahan mo ako sa paglalakbay tungo sa isang zero waste lifestyle sa gitna ng mga krisis.

 

Ano ang waste management?

Eh, alam mo ba talaga kung ano ang ibig sabihin ng “waste management”?

“Basura?”

“Dumi ng tao?”

Medyo technical, pero pag-usapan natin ito nang mas maiintindihan ng lahat.

Ano ba talaga ang kahulugan ng waste management, at paano ito makakatulong sa atin sa mga oras ng krisis?

Kung susuriin natin, waste management ay hindi lang simpleng pagtatapon ng basura.

Ito ay isang system na naka focus sa tamang proceso ng mga waste, o dumi na nai-po-produce natin sa araw-araw na pamumuhay,

Sa simpleng salita, ito ay isang paraan ng pagpaplano kung paano natin mapapanatili ang kalinisan kahit saan mang sitwasyon, lalo na sa krisis.

 

Ano ang Zero Waste Lifestyle?

Alam mo ba kung paano mag-manage ng basura sa sariling tahanan, lalo na kapag wala nang regular na nagcocollect ng basura tulad ng garbage collectors?

Sa mga oras ng krisis o SHTF, napakahalaga ng waste management para hindi lang mapanatili ang kalinisan ng iyong tirahan kundi para rin sa pangkalahatang kalusugan ng komunidad.

Maliban sa pangangailangan sa pagkain at kagamitan, ang tamang pamamahala ng waste ay isang mahalagang bahagi ng paghahanda sa anumang klaseng krisis.

Narito ang ilang paraan kung paano ito maaaring makatulong:

1. Composting

Ang mga balat ng prutas, gulay, at iba pang organikong bahagi ng iyong stockpile na pagkain ay maaaring i-compost.

Ang composting ay isang natural na paraan ng pagbuo ng pataba para sa halaman.

Maaari itong gawin sa isang designated na compost pit o iba pang ligtas na lugar.

Narito ang ilang tips.

  1. Gawin ito habang madilim – Oo, pwede mo itong gawin sa gabi o madaling araw upang hindi ka masyadong makita ng ibang tao. Siguruhing may tamang ilaw ka para sa iyong seguridad at safe na paghuhukay.
  2. Discreet location – Pumili ng lugar para sa compost pit na hindi masyadong halata sa mata ng iba. Kung maaari, ilagay ito sa isang lugar na hindi gaanong makikita o madadaanan ng maraming tao. Maaaring sa likod ng mga halamanan o iba pang mga natural shades katulad ng mga puno.
  3. Takpan ng mabuti – Kapag tapos mo nang ibaon ang ang mga organic wastes, takpan mo ito nang maayos gamit ang lupa at mga dahon. Ito ay hindi lamang magbibigay proteksyon sa iyong compost pit, kundi makatutulong din na mabawasan ang masangsang na amoy.
  4. Minimal Noise – Iwasan ang paggawa ng ingay na maaaring mapansin ng iba. Siguraduhin nating hindi tayo makakapukaw ng pansin mula sa mga taong nasa paligid. Mas maganda ang kumilos tayo ng low-profile para sa safety ng ating shelter.

2. Pag-recycle

Ang mga lata, plastik, at iba pang recyclable materials ay maaaring ihiwalay sa mga biodegradable waste, upang magamit ulit natin.

Mahalaga ito, dahil sa oras ng krisis, mahirap makahanap ng mga kagamitan na kailangan sa pamumuhay.

Sarado ang mga factory, mga retail stores, at mas masama pa nito, walang pambili.

  1. Collection at Storage – Itabi ang mga recyclables sa isang ligtas na lugar hanggang sa may magandang pagkakataon na maproseso ang mga ito. Gumamit ng malaking lalagyan katulad ng drum para sa mga bote, lata, at iba pang recyclables.
  2. Reuse – Iwasan ang pagtatapon ng mga basura na maaaring magamit pa. Halimbawa, maaari mong gamitin ulit ang mga plastic containers para sa imbakan o pag-aayos ng gamit, o di kaya lagayan ng lupa para sa tanim na makakain. Ang mga bagong kagamitang mabubuo mo mula sa mga basura ay maaaring gamitin pampersonal, o ipam-palit para sa mga essential supplies.
  3. Barter System – Kung wala tayong kakayahan na mag-recycle, maaari natin itong ipagpalit sa mga mas mahahalagang supplies at serbisyon.

3. Hygiene Practices

Alam mo, whet it hits the fan, mahirap mag-maintain ng kalinisan.

Una, ang simpleng paglilinis ng katawan araw-araw ay mahirap dahil mawawala ang supply ng tubig.

Kung wala kang tubig, pwede namang gamitin ang wet wipes o kahit pagbasa ng tuwalya para mapanatili ang kalinisan.

Sa mga oras na hindi ka makakapag-toothbrush, pwede kang gumamit ng baking soda para sa ngipin.

Oo, medyo maasim, pero feeling fresh pa rin!

Paano ang banyo?

So, pag walang tubig, pwede mo subukan yung “dig and bury” method.

Ito yung simpleng paghuhukay ng butas sa lupa para sa pag-take care ng business.

Tapos, pagkatapos mag-release, tabunan mo lang ulit ng lupa.

Simple lang, di ba?

Ewan ko nga lang kung nostalgic ba yun o ano, pero ito yung classic na paraan na pwedeng gawin kung walang ibang option.

Tandaan lang na huwag natin gawin ito malapit sa malinis na pagkukunan ng tubig.

Pagdating naman sa menstruation, kung wala kang access sa sanitary napkins, pwede mong subukan ang mga improvised na menstrual pads tulad ng malinis na tela.

Okay lang yan, importante lang na ma-maintain ang kalinisan.

At wag natin kalimutan ang kamay!

Sa mga oras na walang sabon, pwedeng magdala ng alcohol o homemade na sanitizer.

Kung may chance, mag-hugas pa rin ng kamay sa paraang improvised.

Main thing is, let’s try our best to stay clean and healthy kahit sa mga challenging na sitwasyon.

Kahit pa sa SHTF, malaking bagay pa rin ang hygiene para maiwasan ang sakit at magkaruon ng comfort sa gitna ng krisis. So, keep it simple pero effective!

4. Water Conservation at Recycling

Ang tubig ay isang mahalagang resources lalo na kung oras ng SHTF.

Kaya’t kailangan nating maging smart sa paggamit nito.

Una sa lahat, water conservation.

Eh, paano ba ito?

Simple lang, tipid-tubig style!

Kapag naghuhugas ng pinggan, pwede naman siguro gamitin yung pinagbanlawang tubig para ipang-dilig sa mga halaman, di ba?

At yung pagligo, iwasan natin ang shower para hindi sayang ang tubig. (Kung may shower)

Sa recycling naman, pwede tayong maging creative.

Yung tubig na pinagbanlawan ng bigas, pwede mo ring gamitin panglinis ng sahig.

At yung inipon na tubig mula sa ulan, pwedeng ipunin upang magamit sa paglalaba, pag-flush sa banyo, at marami pang iba.

Importante lang na maging resourceful at wag maging maaksaya sa tubig.

Bawat patak ay mahalaga.

Kaya kung mayroon kang ibang tips o tricks sa water conservation at recycling, ibahagi mo lang!

 

Bakit mahalaga ang zero waste management sa oras ng SHTF?

Ito ay seryoso na usapan.

Kung hindi tayo marunong ng waste management sa oras ng SHTF, maraming puwedeng masamang mangyari.

Una, yung waste or basura mismo.

Kung hindi ito maayos na hinahandle, pwedeng maging breeding ground ng sakit.

Eh, mahirap na nga ang SHTF situation, ‘di ba?

Ayaw pa natin ng outbreak ng iba’t ibang klaseng sakit.

Tapos, yung waste disposal.

Kung walang proper na paraan ng pagtatapon, pwedeng ma-contaminate ang water source.

Tapos, lalong lalala kung wala nang doktor dahil sa krisis.

Kung magkakasakit tayo dahil sa maruming tubig o environment, walang immediate medical help.

Medyo scary, di ba?

Kaya importante ang waste management.

Kailangan maging responsible sa pagtapon ng basura, lalo na sa oras ng SHTF.

Importante ring magkaruon ng basic knowledge sa first aid at sanitation para kahit papaano, kahit walang doktor, alam natin ang mga gagawin sa mga simpleng karamdaman.

 

Prepare to survive

Napakalaking bahagi ng survival ang tamang waste management, lalo na sa oras ng SHTF.

Kung hindi natin ito maayos na hinahandle, pwedeng maging malaking problema sa ating kalusugan at kaligtasan.

So, ang zero waste lifestyle, hindi lang siya trend o sosyal, pero malaking tulong talaga sa pangangalaga ng kalikasan, lalo na sa panahon ng krisis.

Ito yung pagiging maingat sa paggamit ng resources at pagsusunod sa mga eco-friendly practices.

Sa waste management, mahalaga ang tamang disposal ng basura para iwas-sakit at hindi masira ang kalikasan.

Kung hindi ito maayos na naa-address, magkakaroon ng ripple effect sa ating kalusugan at kaligtasan.

In the end, kahit sa simpleng paraan ng pagtapon ng basura, maaari tayong maging mga eco-warrior.

Kaya naman, let’s embrace the zero waste lifestyle, be mindful of our waste, at magtulungan para maging mas malakas at resilient sa anumang hamon ng buhay.

Dahil pag ito na ang lifestyle mo, magiging madali ang pamumuhay sa oras ng krisi.

Prepare to survive!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *